Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin” sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.
Ang Lobo at ang Ubas
Ang katagang ”sour grape” o “maasim na ubas” ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon,” ang sabi niya sa sarili.
Mga Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang “sour grape” o “maasim
na ubas” dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
Ang sour-graping o pagsasabi ng “sour grape” o “maasim na ubas” ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.
Mga halimbawa:
Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang
nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay
maaaring magsabi ng “hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto.”
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang.
Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay
dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan
tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil
ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal.
Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang.
********
Ang Kabayo at ang Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?”
pakiusap ng kalabaw.
“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,”
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
Ang magkaibigang Motet at ang Usa
Nina Ma. Virginia L. Mapalo at Kristine Senio
Pabula ng Kankanaey
Motet- kumakain ng Kape
Usa- kumakain ng damo
Isang araw nagkita ang magkaibigang Motet at Usa
“Kaibigang Motet may nakita akong halaman doon sa harden.”ang sabi ni Usa.
‘”Anong uri ng halaman ang nandoon kaibigang Usa”, ang tanong ni Motet kay Usa.
“Kape ang nakita ko, ang iyong paboritong pagkain”.
Pagkalipas ng ilang oras.
“Kaibigang Usa nagugutom na ako.”
”Sige kaibigan samahan kita sa harden na sinasabi ko para ika’y makakain naman dahil alam kong hindi ka pa kumakain”.ang paanyaya ni Usa
“ Maraming salamat sa iyo kaibigang Usa naabala ka pa sa paghanap ng aking makakain”. Ang sabi ni Motet
“okey lang iyon magkaibigan naman tayo eh kaya dapat tayo ay magtulungan”. ang paliwanag ni Usa
Pumunta nga sila sa harden na tinamnan ng mga kape. Habang sila ay papunta sa harden nakita nila si Kalabaw na nagtatrabaho. Lumapit ang magkaibingan kay Kalabaw para humigi ng kape
“ Magandang araw sa iyo kaibigang Kalabaw”, ang sabi ng magkaibingan kay Kalabaw.
“Magandang araw din sa iyo mga kaibigan anong maipaglilingkod ko sa inyo?” Ang tanong ni Kalabaw sa magkaibigan.
“ Puwedi bang makahingi ng iyong tanim na kape kasi ako’y nagugutom na”, ang sabi ni Motet.
Hindi nagdalawang isip si Kalabaw na binigyan si Motet ng kape.
“Sige kaibigan mamitas ka lang diyan ng kape”. Ang sabi ni kalabaw
Habang pumipitas ng bunga ng kape ang magkaibingan ay niyaya ni Kalabaw ang magkaibigan na may Cañao magaganap sa kapit-barangay. Naganyak naman ang dalawa na dumalo sa nasabing Canao.
Pagkatapos nilang pumitas at kumain.
“Kaibigang kalabaw maraming salamat sa ibinigay mong kape”. Ang sabi ng magkaibigan.
“Walang anu man”, ang sagot ni Kalabaw.
Nakaalis na nga ang dalawa sa hardin. Habang sila ay naglalakad tinanong ni Usa si Motet kung pupunta sila sa Canao na sinasabi ni Kalabaw. Ang sagot naman ni Motet ay “oo dadalo tayo para panoorin natin ang katutubong sayaw na nais niyang ipakilala sa atin”.
Dumalo nga sila sa Canao. Ang mga kalahi nilang hayop ay sumasayaw na nagpapahiwatig na sila ay may pagkakaisa. Ang mga magkaibingan naman ay naaaliw na nanonood ng mga katutubong sayaw nila.Habang sila ay nanonood nakita nila si Kalabaw na siya ang namumuno sa pag awit o”sa pag day-ing”. Buong araw na nagsayawan, nag-awitan sila sa ginanapan ng Canao. Nang sila ay nagpaalam kay Kalabaw na uuwi na sila ay may binigay sa kalabaw sa kanila. Ito ay karne o “watwat”. Nakauwi na n gang magkaibingan sa kanikanilang mag tahanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento