Biyernes, Marso 11, 2011

Sagutin at Intindihin!!!

Ilang katanungan:Ang Motet at ang Usa
1.       Ang kulturang ipinakita sa pabula ay nagmula sa kultura ng?
a.      Pangasinan
b.      Cordillera
c.       Visayas
d.       Wala sa nabanggit

2.       Bakit nagtungo ang magkaibigan sa hardin?
a.      Dahil gusto nilang mag-laro
b.      Dahil gusto nilang mamitas ng prutas
c.       Dahil gusto nilang kumuha ng makakain
d.      Dahil gusto nilang magtanim
Punan ang patlang ng tamang kasagutan:
1.       Nagtungo ang magkaibigang Motet at Usa sa ________________ upang makakuha ng pagkain.
2.       Inimbitahan ni _____________sina Motet at Usa sa  kanilang pagdiriwang.
Tama o Mali: Sabihin kung tama ang sumusunod na pangungusap kung nagpapahayag ito ng wastong pagtatalakay ayon sa mga aralin at mali naman kung hindi.
1.       Ang pabula ay tungkol sa kultura, tradisyon at pag-uugali ng taga Visaya.
2.       Ginamit ni Aesop ang mga hayop bilang tauhan sa kanyang pabula dahil sila’y mga alipin lamang sa kanyang paningin.

Halimbawa ng Pabula

Ang Daga at ang Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin” sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.

Ang Lobo at ang Ubas
Ang katagang ”sour grape” o “maasim na ubas” ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon,” ang sabi niya sa sarili.
Mga Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang “sour grape” o “maasim
na ubas” dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
Ang sour-graping o pagsasabi ng “sour grape” o “maasim na ubas” ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.
Mga halimbawa:
Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang
nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay
maaaring magsabi ng “hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto.”
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang.
Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay
dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan
tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil
ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal.
Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang.
********

Ang Kabayo at ang Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?”
pakiusap ng kalabaw.
“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,”
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.
“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat  ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
Mga aral ng pabula:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.


Ang magkaibigang Motet at ang Usa
Nina Ma. Virginia L. Mapalo at Kristine Senio
Pabula ng Kankanaey
Motet- kumakain ng Kape
Usa- kumakain ng damo
            Isang araw nagkita ang magkaibigang Motet at Usa
“Kaibigang Motet may nakita akong halaman doon sa harden.”ang sabi ni Usa.
‘”Anong uri ng halaman ang nandoon kaibigang Usa”, ang tanong ni Motet kay Usa.
 “Kape ang nakita ko, ang iyong paboritong pagkain”.
Pagkalipas ng ilang oras.
“Kaibigang Usa nagugutom na ako.”
”Sige kaibigan samahan kita sa harden na sinasabi ko para ika’y makakain  naman dahil alam kong hindi ka pa kumakain”.ang paanyaya ni Usa
“ Maraming salamat sa iyo kaibigang Usa naabala ka pa sa paghanap ng aking makakain”. Ang sabi ni Motet
“okey lang iyon magkaibigan naman tayo eh kaya dapat tayo ay magtulungan”. ang paliwanag ni Usa
Pumunta nga sila sa harden na tinamnan ng mga kape. Habang sila ay papunta sa harden nakita nila si Kalabaw na nagtatrabaho. Lumapit ang magkaibingan kay Kalabaw para humigi ng kape
“ Magandang araw sa iyo kaibigang Kalabaw”, ang sabi ng magkaibingan kay Kalabaw.
“Magandang araw din sa iyo mga kaibigan anong maipaglilingkod ko sa inyo?” Ang tanong ni Kalabaw sa magkaibigan.
“ Puwedi bang makahingi ng iyong tanim na kape kasi ako’y nagugutom na”, ang sabi ni Motet.
Hindi nagdalawang isip si Kalabaw na binigyan si Motet ng kape.
“Sige kaibigan mamitas ka lang diyan ng kape”. Ang sabi ni kalabaw
Habang pumipitas ng bunga ng kape ang  magkaibingan ay niyaya ni Kalabaw ang magkaibigan na may Cañao magaganap sa kapit-barangay. Naganyak naman ang dalawa na dumalo sa nasabing Canao.
Pagkatapos nilang pumitas at kumain.
“Kaibigang kalabaw maraming salamat sa ibinigay mong kape”. Ang sabi ng magkaibigan.
“Walang anu man”, ang sagot ni Kalabaw.
Nakaalis na nga ang dalawa sa hardin. Habang sila ay naglalakad tinanong ni Usa si Motet kung pupunta  sila sa Canao na sinasabi ni Kalabaw. Ang sagot naman ni Motet ay “oo dadalo tayo para panoorin natin ang katutubong sayaw na nais niyang ipakilala sa atin”.
Dumalo nga sila sa Canao. Ang mga kalahi nilang hayop ay sumasayaw na nagpapahiwatig na sila ay may pagkakaisa. Ang mga magkaibingan naman ay naaaliw na nanonood ng mga katutubong sayaw nila.Habang sila ay nanonood nakita nila si Kalabaw na siya ang namumuno sa pag awit o”sa pag day-ing”. Buong araw  na nagsayawan, nag-awitan sila sa ginanapan ng Canao. Nang sila ay nagpaalam kay Kalabaw na uuwi na sila ay may binigay sa kalabaw sa kanila. Ito ay karne o “watwat”. Nakauwi na n gang magkaibingan sa kanikanilang mag tahanan.


Huwebes, Marso 10, 2011

Aralin 1


Masasalamin ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng bawat bansa at panahong
pinagdaanan ng pabula. Ito kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ito ng
mga tao? Tuklasin natin
Sa pagitan pa lamang ng ika-5 at ika-6 na siglo (Bago Dumating si Kristo) ay may pabula na ang mga
taga- India. Mga kuwento ito tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Indian, si
Kasyapa.
ng sarili nilang mga pabula na nagsasalaysay tungkol sa buhay ng itinuturing nilang mga dakilang tao.
Makalipas ang humigit-kumulang sa siyam na raang taon, patuloy na lumaganap sa iba’t ibang bansa ang
mga pabula subalit nagkaroon ng pagbabago sa paksa. Hindi na ito tungkol lamang sa buhay ng mga
dakilang tao kundi mga kuwento na ring naglalayong maituro sa mga tao ang tungkol sa moralidad at
wastong pamumuhay.
Sa tinagal-tagal ng panahon, isang tao ang nakaisip na tipunin ang mga pabulang nabanggit, si
Aesop, isang Griyego. Ang tinaguriang ama ng mga sinaunang pabula
panahong 620-560 BC (Bago Dumating si Kristo). Isa siyang kuba at may kapansanan sa pandinig
sapul sa pagkabata. Lumaki siyang alipin sa isla ng Samos, subalit dahil sa kanyang sipag, katapatan
at talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa
mga tao sa bayan. (Nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na lumabas at
makihalubilo sa mga tao.)
Hindi lamang tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula, Sumulat din siya ng mga pabula
tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, at ang kalagayan ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Pinuna
niya ang mga maling gawi ng mga tao sa lipunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga isinulat dahil
bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo’t ang mga ito’y nabibilang sa
mataas na uri ng lipunan. At noon pa man ayaw na ng mga tao na pinangangaralan nang tuwiran.
Tinatayang nakalikha si Aesop nang mahigit 200 pabula bago siya namatay.
Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan rito sina Babrias,
Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Kabilang din sa nagpalaganap ng pabula
sa daigdig ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong 1300; si
Jean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba’t ibang bansa hanggang sa makarating sa
ating kapuluan bago pa man dumating ang mga Español. Nakalikha ng mga katulad na kuwento ang
ating mga ninuno. Ginamit din nila ang mga ito upang turuan ang mga tao ng tamang pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa.
Tulad ng iba pang kuwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng ating mga ninuno. Subalit nang matutuhan nila ang sistema ng panulat, ilan sa mga ito ay
nagawa nilang maiukit sa malalaking bato, balat ng mga punongkahoy, talukap ng niyog at mga dahon ng
halaman. Ginamit nilang panulat ang matutulis na kahoy, bato at bakal. Mayroon ding naisulat sa mga
papel, na sa paglipas ng panahon ay naimprenta, lumaganap hanggang sa kasalukuyan, kabilang ang
pabulang “Ang Matsing at Ang Pagong” na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal.Ang mga kuwentong ito ang naging batayan naman ng mga sinaunang Budihista. Sumulat din sila(ancient pables) noong